InterAksyon.com
The online news portal of TV5
MANILA, Philippines – The archbishop of Manila issued a four-point message on Labor Day, reminding all of the church’s social teachings on the dignity of labor.
Manila Archbishop Luis Antonio Tagle’s message was read in the Labor Day Mass at the Quiapo Church.
In sum, the message, written in Filipino, says:
First, man is created in God’s image and it is work that allows man to continually strive to be perfect, as the steward of the earth and all creation.
Second, being able to work is a right, as it enhances the dignity of people. It helps people provide for their families, acquire basic comforts in life and contribute to national development. The lack of decent jobs and livelihood is deemed a “social disaster” by the Church, and it is the duty of those with the means to do so to provide the industries, businesses and other means of livelihood by which people can work.
Third, work is at the same time a duty of man. People must work so they can be better stewards of God on earth, have dignity, provide for their families and help build the nation.
Finally, labor is the most important aspect of production, and workers’ welfare must never be sacrificed at the altar of profit. Capital and profit are also important, but must never be pursued at labor’s expense.
Here is the full, original text of Archbishop Tagle’s message in Filipino:
Ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa sa unang araw ng Mayo ay magandang pagkakataon upang maipahayag ng Simbahan ang kanyang pasasalamat sa mga manggagawa, ang kanyang pagmamalasakit sa kanilang kapakanan at ang kanyang turong panlipunan hinggil sa paggawa upang maitaguyod ang wasto, makatarungan at makataong patakaran sa mundo ng paggawa. Sa taong ito, ibig kong ibahagi ang ilang mahalagang turo ng Simbahan.
Una, ipinahahayag ng paggawa na ang tao ay tunay na nilikhang kawangis ng Dios. Sa pamamagitan ng paggawa, nakikita ang bokasyon ng tao bilang kaugnay ng Dios at Kanyang katiwala sa pangangasiwa sa mundo. Ang Dios ang nagmamayari ng mundo. Ang tao bilang Kanyang katiwala ay inaasahang tularan ang Dios sa kanyang pagaaruga sa mundo. Sa marangal ng paggawa, lumalago ang tao bilang kawangis ng Dios.
Ikalawa, ang paggawa ay isang karapatan, isang nararapat na pamamaraan upang ipahayag at alagaan ang dangal ng tao. Kailangang ang paggawa upang makabuo at magtaguyod ng pamilya, upang magkaroon ng ari-arian at upang makatulong sa pangkalahatang ikabubuti ng lipunan. Sa maraming pagkakataon, tinatawag ng Simbahan ang kawalan o kakulangan ng trabaho na isang “panlipunang kalamidad” (social disaster). Tungkulin ng pamahalaan at lahat ng taong may malasakit na itaguyod ang mga wasto at tamang paggawa ng mga mamamayan.
Ikatlo, ang paggawa ay isa ring tungkulin ng tao. Kailangang magtrabaho ang tao upang matupad ang bokasyon niya mula sa Dios, upang lumago ang kanyang pagkatao at upang makatulong siya sa ikabubuti ng pamilya at lipunan. Sa paggawa, nakikibahagi tayo sa pagukit ng magandang kinabukasan para sa bayan at kalikasan. Huwag nating hayaang mamatay ang alab at sigasig sa pagganap sa makabuluhan at wastong paggawa.
Panghuli, palagiang itinuturo ng Simbahan na ang manggagawa ay higit na mahalaga kaysa sa kapital at tubo (profit). Ang tao o ang manggagawa ang pinakamahalagang bahagi ng isang business o produksyon. Ang paglago ng material o pinansiyal na bahagi ng produksyon ay mahalaga rin subalit hindi kailanman dapat maging dahilan upang pagsamantalahan ang manggagawa. Sa maling pagaalaga sa kapital at kikitain, nasisira ang dangal ng manggagawa, pati na ang kanilang pamilya at ang buong lipunan. Nananawagan ang Simbahan na igalang lagi ang prioridad ng tao at ng kanyang dangal.
Si Jesus ay huwaran ng paggawa. Napakasipag Niya. Walang kapagurang gumawa ng mabuti, nangaral, nagpagaling ng maysakit, nagpalayas ng masamang espiritu, nagalay ng buhay upang tayo ay mabuhay. Sa Kanyang mga kamay inihahabilin ko ang lahat ng manggagawa. Sama-sama tayong manalangin upang ang Kanyang diwa at katarungan ang mamayani sa mundo ng paggawa. Pagpalain kayo ng Dios!