TODAY'S HEADLINES

Speaker: Law postponing brgy polls can be passed especially with Du30 backing 27-Mar-17, 10:20 AM | Lira Dalangin-Fernandez, InterAksyon.com

WATCH | Bully QC cop sacked for manhandling motorist 27-Mar-17, 11:15 PM | Romel Lopez, News5

Rody appointing barangay execs violates Constitution - election law expert 27-Mar-17, 7:08 PM | JV Arcena, News5 | With a report by Dale de Vera

WATCH | Rody's dinner invitation to Leni sincere, not a 'trap' - Panelo 27-Mar-17, 11:51 PM | Dale de Vera, News5 | InterAksyon.com

National

Guingona finds Corona guilty of Article 2

InterAksyon.com
The online news portal of TV5

MANILA, Philippines -- (UPDATE - 4:22 p.m.) Senator Teofisto Guingona III finds Corona guilty of Article of Impeachment No. 2 for failing to disclose his statement of assets, liabilities and net worth.

"Ginoong Pangulo, batay sa ebisensiya, sa mga  mismong sinabi at pag-amin ng nasasakdal at bilang pagkilala sa kasagraduhan ng Saligang Batas ng Pilipinas, ito ang hatol ko: Ang nasasakdal na punong mahistrado ng Korte Supreme ay hindi na, hindi na po karapat-dapat sa pagtitiwala ng sambayanang Pilipino (Mr. President, based on the evidence, on the very words and admission of the accused and in recognition of the sacredness of the Constitution of the Philippines, this is my verdict: The accused Chief Justice of the Supreme Court is no longer, no longer worthy of the trust of the Filipino people)," Guingona said.

"I vote to convict the accused Chief Justice of the Supreme Court," he added.

Following is the full text of Guingona's explanation of his vote:

Ginoong Pangulo: 

 Sa paglilitis na ito, ang aking boto ay para …  sa kasagraduhan at kapangyarihan ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas.

Mr. President, if there is one thing that our Nation would have learned in this Impeachment Process, it is this: that we must renew our respect for and protect the sanctity and the primacy of the Constitution of our Republic.

Ang ating Saligang Batas ay sagrado -- at walang sinumang kapangyarihan sa ating bansa ang mas mataas pa dito.

Ito ay sagrado -- lahat ay dapat sumunod dito … ipatupad ito … at igalang ito.

Ito ay sagrado -- kaya lahat ng lingkod-bayang ibinoto o inappoint sa tungkulin ay pinasusumpa na ito ay itataguyod at ipagtatanggol.

Ang hindi pagsunod. … ang hindi pagtupad … at ang hindi pagtatanggol sa ating Saligang Batas … ay isang malinaw … na paglapastangan sa pinakamataas na batas ng ating Republika.

At sa kasong pong ating nilitis, Ginoong Pangulo, pinag-aralan ko ang mga sumusunod:  nagkaroon ba ng paglabag at ng paglapastangan sa sagradong Saligang-Batas ng Pilipinas? At kung nagkaroon nga, ang lumabag at lumapastangan ay dapat bang hindi na payagang magpatuloy sa kanyang puwesto at tungkulin?

Inihayag ba ng  nasasakdal ang LAHAT ng assets, liabilities at net worth niya bilang pagsunod sa utos ng Saligang Batas?  Ang sagot ko: hindi po ginawa.

Nagkaroon ba ng bahid ang kanyang integrity at probity sa panahon ng kanyang panunungkulan sa pinakamataas na korte ng bansa? Ang sagot ko: opo, nagkaroon po ng malaking bahid.

Nilabag ba niya ang utos ng Saligang Batas na siya ay dapat maging “accountable to the people” sa lahat ng pagkakataon, at maglingkod nang may “utmost responsibility, integrity and loyalty”? Ang sagot ko: opo, nilabag po.

One action of the accused stood out, Mr. President.

Mula mismo sa mga labi ng nasasakdal, inamin niya na nakadeposito sa iba’t ibang mga bangko ang mga salapi niya na nagkakahalagang walumpung milyong piso at 2.4 million dollars. Pero, nasaan ito sa kanyang sinumpaang statement of assets, liabilities and net worth? Idedeklara lamang ba ito kung kailan gugustuhin ng isang mataas na opisyal? Puwede ba siyang magtago sa likod ng Foreign Currency Deposits Act?

Mr. President, ito ay isang pagbaluktot ng provision ng Constitution . How could one man use the very same Constitution which mandates full public disclosure to justify the concealment of millions of dollars in his personal bank accounts?

This is Constitutional Perversion in its ultimate form.

Ginoong Pangulo, sino po ba ang inaasahan ng ating bansa at lipunan para maging pangunahing tagapagtanggol ng Saligang Batas? Hindi po ba’t ang Korte Suprema?

Anong aasahan nating pagtatanggol kung ang mismong pinuno nito ang unang humahanap ng butas na babaluktot dito sa ating Saligang Batas?

Ang Saligang Batas ay sagrado. Anumang paglusot sa mga utos nito; anumang pagbaluktot dito  ay paglabag at pambabastos sa pinakamataas na Batas ng bansa.

The Constitution, above all.

Ginoong Pangulo, batay sa ebidensiya; sa mismong mga sinabi at pag-amin ng nasasakdal … at bilang pagkilala sa kasagraduhan ng Saligang Batas ng Pilipinas … ang hatol ko ay ito:

Ang nasasakdal na Punong Mahistrado ng Korte Suprema … ay hindi na karapat-dapat sa pagtitiwala ng sambayanang Pilipino.

Mr. President, I vote … to convict … the accused Chief Justice of the Supreme Court.

Maraming salamat po.

 

advertisement
OTHER NATIONAL STORIES
BREAKING NEWS