TODAY'S HEADLINES

Speaker: Law postponing brgy polls can be passed especially with Du30 backing 27-Mar-17, 10:20 AM | Lira Dalangin-Fernandez, InterAksyon.com

WATCH | Bully QC cop sacked for manhandling motorist 27-Mar-17, 11:15 PM | Romel Lopez, News5

Rody appointing barangay execs violates Constitution - election law expert 27-Mar-17, 7:08 PM | JV Arcena, News5 | With a report by Dale de Vera

WATCH | Rody's dinner invitation to Leni sincere, not a 'trap' - Panelo 27-Mar-17, 11:51 PM | Dale de Vera, News5 | InterAksyon.com

National

Lapid finds Corona guilty on Article 2

InterAksyon.com
The online news portal of TV5

MANILA, Philippines -- (UPDATE - 4:30 p.m.) Senator Manuel "Lito" Lapid finds Chief Justice Renato Corona guilty on Article of Impeachment No. 2 for failing to disclose his statement of assets, liabilities and net worth.

He prefaced his verdict by saying, three times, "Pasensya na po  (Forgive me)."

Following is the complete text of Lapid's explanation of his vote:

Kasamahan kong senador-judge, prosecution, at depensa, sa ating mga kababayang nanunuod at nakikinig sa TV at radyo. Inuulit ko, magandang hapon po sa inyong lahat.

Alam niyo po, wala naman akong speech dito, wala po akong dala. Ang mga kasamahan ko dito, pag pinasok sa isip nila, dadalhin sa libing at maganda na ang sasabihin.

Bilang high school graduate po, sa ating mga kababayan, anong sasabihin ni Lito Lapid na hindi marunong mag-Ingles, na hindi kaalaman sa batas, ano kaya ang magiging desisyon? Didisisyunan po ng katas-taasang hukom na isang high school graduate lang at taga probinsya ng Pampanga.

Napakinggan ko po ang depensa, siguro purihin po natin ang depensa, napakagaling nila sa mga nakaintindi ng abugasya. Purihin rin po natin ang prosecuton, sa paghanap ng ebidensiya, nakinig po ako sa bawat ebisensiyang inaano nila dito. Ngayon, naaayon po, lalung lalo na si Cong. Farinas yung pong prinisenta niya kahapon ditto, para sakin po malinaw na malinaw na si CJ Corona ay lumabag sa batas.

Siya mismo inamin niya na may $2.4M at P80M na bank account. Yun po siguro hindi na kasinungalin yun, yun po ay totoo na.

Nagpiprisinta po ako dito hindi bilang abugasya, hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sa akin. Hindi po ako nagmamarunong marunong dito. Ang ginagamit ko lang po konsensya, representante ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-Ingles, ni walang alam sa batas.

Kaya nuon pong nagsasalita si Chief Justice Corona, nagsusumbong sa taumbayan, awang-awa po ako sa kanya. Akala ko totoo ang sinasabi niya. Hindi pala.

Mas pinaniwalaan ko pa si Cong. Farinas nung nag Powerπoint dito. Ngayon ang sinasabi niya isang pizza pie, hindi totoo yan na may 82 akong account, siguro kung ako ho ang pagbabasehan ko, kung 100 basong tubig inilagay sa 4 na drum lang ang kanyang account … naawa po ako sa kanya dahil naiintindihan ko po kung anong damdamin niya at sa kanyang pamilya, naranasan ko rin po yan.

At sana sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko siya dahil nung pangalawa kong panalo bilang senador, sa kanya ako nanumpa bilang senador.

Pasensiya na  po. Pasensiya na po. Pasensya nap o. Ang hatol ko sa inyo, guilty.

 

advertisement
OTHER NATIONAL STORIES
BREAKING NEWS