InterAksyon.com
The online news portal of TV5
Leviticus 19:15
Why do we complicate the simple? Di ba simple lang naman ang issue eh.
Sino bang nagsasabi ng katotohanan? Ano ba ang katotohanan? Base sa ebidensiyang naibigay dito sa Korteng ito, ano ba ang katotohanan?
Almost 10 years ago, nasa America po kami at nagpapagamot po ang aking ama.
Hindi po naming alam at that time na may cancer na pala po siya sa tiyan.
Dahil gabi-gabi po siyang umiiyak sa sakit po, around 2’o clock in the morning, tinanong ko siya: Dad, anong masakit? Nagulat po ako sa sagot niya dahil sabi niya: Alan, 40 years ago, I studied here, I worked here, but I was determined to go back home.
Forty years later, nandito na naman ako, andami nang ibang umunlad na bansa pero ganun pa rin tayo.
Nabasa ko sa kanyang mata ang simpleng katotohanan na yung corruption at kahirapan ay dinudurog ang spirit ng isang dinudurog na ang katawan.
Mas masakit pala yun na yung spirit at pag-asang nadudurog.
Lalo para kung pa kung para sa sariling bayan. Gusto ko pong magbago ang ating bayan. Gusto ko po makita na nakatawa rin ang aking ama.
Ngunit meron rin pong cancer ang ating lipunan.
Cancer na ang ibang batas at ibang pamantayan o standards sa ating lipunan ay iba para sa mayaman at makapangyarihan at iba para sa mahirap.
Cancer ng corruption, cancer na para sa mga mayaman at makapangyarihan ang simple ginagawang komplikado.
Dahil sa cancer na ito, iba’t iba ang interpretasyon ng batas sa mayaman at mahirap.
Hindi ko po matanggap ang interpretasyon ng pinakamataas na hukom ng ating bansa na yung $2.4M ay hindi kelangan ideklara sa SALN sa ilalim ng 6426.
Hindi ko po pwedeng matanggap na isang public official sa isang simpleng ploy o paraan na i-coconvert niya ang pera sa dolyar ay pwede na niyang hindi ideklara sa SALN.
Kaya po ba natin tanggapin ang interpretasyon na ang $2.4M ninyo ay ilalagay sa safety deposit box, ilalagay niyo sa kaha de yero dun sa inyong opisina o itatago niyo sa baul sa bahay ay kelangan ninyo ideklara sa SALN?
Pero pag dineposit niyo sa dollar account hindi mo na kelangan ideklara sa SALN? Ginawa nating komplikado ang simpleng simple.
Pesos kahit may confidentiality kelangan ideklara pero pagdating po sa dollars hindi kelangan ideklara? Pati ba naman sa pera may discriminiation tayo?
Pati ba naman sa sarili nating bansa mangingibaba pa ang dollar sa peso?
When a public official especially a judge is faced with two possible interpretations of the law, one which will give life to the spirit of the sovereign will of the people and embodied in the Constitution and another that will protect only himself, it is his moral, human, constitutional duty to choose to protect the Constitution and not himself.
If a public official has a choice between harmonizing several laws with the Constitution, 6713, 6426, and the other choice is to make them repugnant with each other o hindi pwede ipagsama, ano ang dapat ang desisyon, hindi ba simple? Lahat ng abogado alam yun.
You construe it that you will harmonize laws.
Ito po ang tanong ko: paano po kapag may kaso ang 1.3M civil servants, ilan man sa kanila, isa, dalawa o marami, sa Korte Suprema?
Paano kung halatang halatang tinago ang pera pero dollar account ang ginamit? Will the Chief Justice have the moral ascendancy now to convict that public official? Hindi pwede dahil sa sarili niyang depensa ginamit niya ang interpretasyon na ito.
Sana po kaya kong tanggapin na yun ang interpretasyon niya. But just in case dineklara pa rin niya.
I would respect him for that. This is what I think the law is but this is what’s good for the country, therefore idedeklara ko pa rin.
Hindi ko rin po matanggap ang interpretasyon na ang P80M hindi idineklara o part of it hindi idenaklara ay ipapaliwanag niya sa pamamagitan lang ng isang kwento na walang siyang isusubmit sa atin na ebidensiya, walang ITR ng anak niya, walang mga resibo, walang mga passbook, sasabihin lang po na based on his credibility.
I’m not saying he’s not credible, but if it was anyone else, if it wasn’t CJ Corona on the stand, tatanggapin pa natin ang sagot na yun o sasabihin ba natin ano ba ang inyong ebidensiya?
Especially when the explanation is against human experience or normal human experience.
Marami po na may edad na sa lipunan nilalagay sa anak ang mga account nila pero bihira ang anak ang nilalagay siya sa kanilang magulang.
Bakit ang isang clerk hindi lamang nagdeklara ng isang stall sa palengke tinanggal na? bakit ang mahirap pag nagnakaw bawal? Ano ba ang sinasabi natin sa mahirap? Bawal magnakaw.
Bakit sa mayaman bawal magnakaw ng konti?
Kasi pag nagnakaw ng marami lahat nang technicalities, lahat na ng batas, lahat na ng pwedeng ikomplika ang sistema para protektahan siya ay nasa kanya.
Bakit po pag mahirap nahuli ang sasabihin sa kanya sa prisinto ka na magpaliwanag.
Bakit po pag mayaman lahat ng lusot, batas,technicalities ay available sa kanya?
Sa totoo lang po sobra po ang ganda ng pagpapatakbo ng ating presiding officer ng korte na ito and I admire the prosecution and the defense and I admire my colleagues pero let’s be honest with each other: 44 days, more than 200 hours, sa totoo lang po isang lingo kaya nating tapusin ito kung ilagay na lang natin sa stand at nagsabihan tayo ng totoo sa isa’t isa.
At sa totoo lang po, ang akusado nasa prisinto nag papaliwanag na lang siya eh.