TODAY’S HEADLINES

Apple, FBI investigate massive celebrity nude photo ‘hack’Tuesday, September 2, 2014 10:29 am | Agence France-Presse

Andi, Gabby, Maxine Eigenmann pay tribute to late father Mark GilTuesday, September 2, 2014 9:49 am | By Edwin P. Sallan, InterAksyon.com

Jennifer Lawrence contacts authorities after nude photos hackedTuesday, September 2, 2014 9:21 am | By Ian Simpson, Reuters

Toni Gonzaga not in a hurry to be engaged this yearMonday, September 1, 2014 9:45 pm | By Edwin P. Sallan, InterAksyon.com

Did Zoren back out of BB Gandanghari interview?

Hindi natuloy ang paghaharap nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari noong Sabado sa Paparazzi Showbiz Exposed. Sa halip, si Mariel Rodriguez na guest host nang araw na iyon sa entertainment talk show ang nag-conduct one-on-one interview kay BB.

According to a Paparazzi insider, kay Mariel (Robin Padilla’s wife) daw nakapangako si BB Gandanghari na magpapa-interview ng live sa unang guesting nito sa kanyang pagbabalik-Pilipinas. Kung kaya tinupad lang iyon ni BB para sa kanyang “newfound sister-in-law”.

Samantalang nagkita naman at nagbatian sina Zoren at BB sa studio ng TV5 sa Broadway Centrum – ang present at ex ni Carmina Villarroel.   

Nang kumustahin ni Mariel si BB…

“Very nervous kasi siyempre ang tagal ko ng di nai-interview you know…but never been sure of myself, never been this certain,” ayon kay BB.

Mula nang umalis ng bansa, sa New York na namalagi si BB at pagiging modelo daw talaga ang career na gusto niyang pasukin.

“Nang unang dumating ako doon I really wanted to be a model but then I realized that I’m not fit to be a model,” realization daw niya. Ibang klase rin daw ang na-experience ni BB na taliwas sa kinasayan niya noon dito bilang isang artista.

“Simpleng buhay, I do the subway, nag-apply ako ng iba’t–ibang work doon. Saka sa Amerika naglalaba ka, eto pala ang buhay…

“Kung hindi ka gagalaw walang gagalaw para sa ‘yo and I have a dog I was the one taking care of my dog.”

Aminado si BB na hindi naging madali para sa kanya ang buhay New York lalo pa nga ang napili niyang career doon bilang isang model. Dahil requirement din ang pagkakaroon ng slim body. “It took a while… 2010 dumating ako sa New York and since then I started working out , 6 miles in the morning 6 miles at night. I do yoga tapos dumating ang time nag-ahensiya ako.” 

Disiplina at determinasyon daw talaga ang kailangan lalo na sa pagmi-maintain ng kanyang mababang timbang. 

Samantalang inisa-isa rin ni BB ang mga experience niya at realization tungkol sa buhay-Amerika.

“Napakadami… ‘yung buhay sa Amerika na mag-isa ka lang, ikaw ang namamalengke…hindi talaga ganun kadali.

“Doon mo mare mare-realize na no man is an island… I try to relate to people more…at pagdating sa trabaho kailangan seryosohin mo. Dahil andun pa rin ‘yung discrimination. Sa Amerika it’s considered  basically genderless fashion. Lalaki pero kinukuha sila as female model, androgynous model. 

“But that doesn’t mean na wala ng discrimination. We are considered the new black hindi porke’t nakapasok ‘yung isa, tatanggapin na lahat. Kung ang isang babae kailangang i-prove ang sarili nila, kami pa kaya?!”

Natanong din si BB tungkol sa kontrobersiyal na napapabalitang “babae” na raw siya sa kanyang pagbabalik.

“Alam mo ako… whatever you’re seing now is a manifestation of how I feel now. I made sure it made me happier, it made me peaceful. I hope you’ll forgive me because if I don’t elaborate because whatever is between my legs is for me,” makahulugang statement ni BB.

Nang matanong naman sa opinion niya sa mga taong nagpapa-sex change?

“I have nothing against change. If it’ll make them happy. Ang sinasabi ko nga I’ve embraced my change, I’ve changed everything.”

Sa pagkikita niya at ni Zoren, “ang ganda ng pagkaka-blow dry,” tanging naging komento ni BB.

Pero kung si Carmina Villarroel na dati niyang misis kaya ang makikita niya, handa na rin daw ba si BB? Nabanggit din ni Mariel kay BB na ayon daw kay Carmina, ang actress-TV host daw ang peg niya?

“I’m ready to face anyone kasi wala naman…parang gusto kong sabihin ke Carmina na, ‘Don’t flatter yourself.’”

“Loko lang ho… bakit di natin tanungin si Zoren… pero baka makita nga niya sa akin, Ha! Ha! Ha!”

Kung naging mapagbiro si BB tungkol kay Carmina, naging seryoso naman siya nang matanong kung welcome daw ba kay Mommy Eva Carino Padilla ang “pagbabago” sa kanya?

“Honestly.. no comment. I don’t want to comment because I don’t want to say anything na pwede pagsimulan pa ng sama ng loob. No comment.” 

At ang naging mensahe niya sa mga taong nakakaintindi at hindi siya naiintindihan?

“Sa mga taong hindi ako naiintindihan, I have long accepted that. I’m a very polarizing person, you can accept me.  Dun sa mga hindi makatanggap sa akin, I accept it. But every person is unique. I feel unique as you are unique. So let’s respect our uniqueness, let’s avoid hate.”

InterAksyon.com
RELATED ARTICLES
OTHER NATIONAL STORIES
BREAKING NEWS