LIFESTYLE
Art and Culture

Rizalpabeto: The National Hero as Everytype

In Rizalpabeto, poet Vim Nadera and visual artist Elmer Borlongan pay homage to Jose Rizal with poems and paintings in manner of the traditional letras y figeras, respectively.

In Rizalpabeto, painter Elmer Borlongan and poet Vim Nadera celebrate Rizal’s life, works and legacy through a collaboration involving poems by Nadera on Rizal, one for every letter in the alphabet, and interpreted by Borlongan in the tradition of letras y figeras.

Letras y figeras is a Filipino art form where the contours of flora, fauna, and human figures are shaped according to each alphabet. Borlongan updates his works by using the iPad to sketch and paint each letter according to each poem.

Tradition and technology are given an engaging interplay with the eloquent poetry of Nadera and the masterful illustrations of Borlongan.

Orders for the book (Php550 retail price) are currently by orders through e email info@canvas.ph.

F—Francisco, artwork by Elmer Borlongan.

Meanwhile, here’s one of the poems—in text and as read—by the poet Nadera. Simply click below:

FRANCISCO
ni Vim Nadera

Sa dinami-rami ng pangalan, bakit Francisco,
Mula pagkabata, umiikot ang aking mundo?
Magmula pa sa haligi ng tahanang Mercado
Magpahanggang sa tuhod sa kaniyang mga apo.

Sa una galing ang dugong Tsinong nananalaytay
Na may lahing Negrito, Hapon, Espanyol, at Malay.
Franciscong aking akay ang kamay sa paglalakbay
Na maaga ring bumitaw nang paa ko ay magpantay.

May isang Francisco pa na kinilala kong ama
Bagamat padre siya hindi lamang ng pamilya.
Tatay ang turing ko sa kaniya sa eskuwela
Nang ipinaubaya ako sa mga Heswita.

Nang kaniyang binuklat ang isang banyagang aklat,
Payak kong mundong ito ay lumalim at lumawak.
Sa kaniyang paliwanag, lahat ay lumiwanag
At luminaw sa tinahak at tatahakin kong landas.

Francisco rin yaring sagot nang ako ay tinanong
Kung sino, sa akin, ang pinakadakila noon.
Baltazar at de San Juan ang mabilis kong tugon
Gayong ang makatang iyon lamang ang aking poon.

Naging Balagtas siya, naging Rizal ako dati
Kaya kung baga pinaghiwalay na kambal kami.
Kaya nang si Dulce Estranjera ay maglihi,
May pambinyag na ako sa supling ko kung lalake!

InterAksyon.com
Arts & Culture Section

Wellness Section